Salamat sa produksiyon ng Pixar Animated Studios at Walt Disney, naipalabas ang pelikulang Mulan noong ika-19 ng Hunyo 1998 sa direksiyon nina Tony Bancroft at Barry Cook [1]. Batay ang pelikula sa kanta na nagmula sa Hilaga at Katimugang dinastya ng Tsina noong dekadang 420 – 589 AD [2]. Itinatanghal sa sinaunang teksto na ito ang isang pangkaraniwang babae na taga-Tsina na nagpanggap bilang isang lalaki upang sumali sa gyera bilang kapalit ng kanyang ama. Makikita sa mga pangyayari ng pelikula ang bisa ng kasaysayan sa pamamagitan ng tagpuan na naidulot dahil sa panlipunan at pangkabuhayang mundo noong 1990s, pinakaunang Tsinong tauhan na inilikha ng Disney, banghay na sumasalamin sa paglabag ng mga nakatakdang tungkulin pangkasarian, at ang sistema ng pagguhit na umunlad dahil sa hamon na naranasan.
Isa-isang tatalakayin ko ang mga ito upang maunawaan nang mabuti:
ANG TAGPUAN

Naglingkod bilang mahalagang elemento sa pagbalik-ugnayan ng Disney at Tsina ang tagpuan. Balak gumawa ng maikling pelikula ang Walt Disney Feature Animation tungkol sa isang babaeng taga-Tsina na sinagip ng isang sundalong British at dinala sa kanluran; China Doll ang pamagat nito. Ngunit, nakabatay ang kuwento na lamang sa Mulan dahil sa kakaibang kuwento na ipinapakita tungkol sa mga batang babae [3]. Habang ginagawa ang Mulan, nagkaroon ng problema sa mga taga-Tsina at ng Disney dahil sa kamakailan na pelikulang pinalabas nito. Nang ipinalabas ng Disney ang pelikulang Kundun noong 1997, masamang imahe ang ipinakita ng Disney tungkol sa paghihimagsik ng Tsino sa Tibet. Nagkaroon ng di-pagkakaunawaan sa mapayapang kaugnayan ng pamahalaang Tsina at ang kumpanyang Disney. Dahil dito, nahirapan ang mga negosyong umaasa sa Tsina. Ang tagpuan nang pelikulang Mulan ay naging anyo ng landas upang humingi ng tawad sa pamahalaan ng Tsina. Kahit papaano, naibalik ng Disney ang kagandahang imahe ng Tsina. Simula noon, sinasagisag ang Disney bilang tagapamagitan nang kultura Tsino [4].
Nasimulan na ng tagapaganap ng Disney ang mga plano upang ipatayo ang Hong Kong Disneyland noong taong 1999. Ito’y isang taon pagkatapos ng paglabas ng pelikulang Mulan. Tiyak na ang Mulan ay ginamit din bilang isang paraan upang kumita ang Amerikanong kumpanyang Disney mula sa ideya ng pagkalat ng globalisasyon [3].
ANG TAUHAN
Kaakit-akit din ang elemento ng tauhan dahil sa kahit kaunting pagbabago na naidulot at marka sa kasaysayan ng pelikula. Ang mga nakaraang prinsesa ng Disney ay nagmumula lamang sa rehiyong kanluran. Pranses ang lahi nina Aurora at Cinderella. Sa kabilang dako, Aleman naman si Snow White. Kitang-kita ito sa pamamagitan ng gintong buhok ni Cinderella, maputing balat ni Snow White, at ginto at kulot na buhok ni Aurora. Taon-taon, ang mga prinsesang mapuputi at malalaki ang mga mata lamang ang napapanood ng mga batang babae sa buong mundo. Ngunit, iba ang hitsura ni Mulan kumpara sa nakaraang prinsesa. Siya ay taga-Tsina. Isang hakbang ito sa pagtanggap ng kulturang nakaiiba sa rehiyong kanluran [5].
Bihira rin ang paglikha ng Hollywood nang mga pelikulang bida ang mga Asyano. Bukod pa rito, magkakalayo ang agwat ng mga taon na naipalabas ang mga pelikulang ito. Ang isang halimbawa ay ang pinakaunang pelikulang bumibida ng mga Asyanong tauhan ang The Joy Luck Club at ipinalabas ito noong 1993. Sumunod ang Crazy Rich Asians na naipalabas ng 2018. Dalawampu’t limang taon ang lumipas. Hindi pangkaraniwang inilalabas ang mga pelikulang katulad ng Mulan, Crazy Rich Asians, at The Joy Luck Club kaya mahalagang itala sa mga hakbang ng Asyano sa kasaysayan ng pelikulang Hollywood [6].
ANG BANGHAY
Ang banghay ay nagiging “pangkasaysayan” ay ang paraan kung papaano nito binabalewala ang mga esteriotipikong pananaw, lalo na sa kasarian. Sa unang prinsesang nalikha nang Disney, kinailangan ni Snow White (1937) ang halik ng tunay na pag-ibig mula sa isang prinsipe upang mabuhay. Kaunting pagbabago ang naobserbahan sa Cinderella (1950): isang maharlikang prinsipe ang nilikha nang mga manunulat upang makatakas sa mga kamay ng masamang inang-pangunam ng dalaga. Hindi pa natatagalan at naipalabas ang pelikulang Sleeping Beauty (1959). Dito, kinailangan ang isang halik ng tunay na pag-ibig galing sa isang prinsipe upang magising. Sa mga tinalakay, mga prinsepe ang bayani. Ang mga babae ay kinakailangan lamang mailigtas. Ngunit, hindi ito kaso ni Mulan [7]. Pinanghawakan ni Mulan ang kanyang sariling kapalaran.
Sa suliranin ng pelikula, tumawag ang pamahalaan nang isang lalaki sa bawat pamilya upang lumaban sa gyera. Matanda man o mayroong pamilyang pinapakain, kailangan galangin ang kautusan. Habang tumatakas papalayo sa problema ang mga nakaraang prinsesang Disney, tumakbo si Mulan patungong digmaan at panganib para sa kanyang ama [7].

Nahahati ang mga pangunahing tauhan ng mga pelikulang Disney sa dalawa: tagaligtas o naliligtas. Karaniwang mga babae ay naliligtas at ang mga lalaki ay tagaligtas. Nakikita ito kay Snow White, Aurora, at Cinderella at ang kanilang kanya-kanyang prinsipe. Hindi ito ang nangyari sa Mulan. Malayang naibabagay ni Mulan ang kanyang kaugalian depende sa pangyayaring kanyang hinaharap noong kinalaban niya ang Huns. Ang pagkababae ni Mulan ay naipakita din sa pelikula noong kasama niya si Shang.

Kapag katapangan ang kinakailangan niyang ipakita, iyon ang binibigay niya, kahit man mababa lamang ang pagtingin sa mga babae sa pelikula. Kumukontra siya sa konsepto nang pagiging patriyarkal na lipunan ng Tsina noon [9].

Sa katotohanan, ang pelikulang Mulan ay isang kagamitan sa pangatlong alon ng peminismo noong gitna ng 1990s [10]. Hinangad ng bagong henerasiyon ng peminismo ang naihandog ng Mulan sa buong mundo. Hinamon ng pelikulang Mulan ang tradisiyonal na representasyon ng kababaihan at tungkulin ng bawat kasarian. Hindi lamang ang mga kalalakihan ang may kakayahan magligtas sa mga kaawa-awang mga babae. Sa sariling loob dapat inilagay ang pag-asa, hindi lamang sa mga lalaki. Sa unang pagkakataon, ipinakita ng Disney na may kakayahan lumaban ang isang prinsesa. Pinalakasan ng Mulan ang loob ng mga batang babae sa buong mundo [3].
ANG SISTEMA NG PAGGUHIT
Ang sistema ng pagguhit ang huling elementong nagsasalamin sa kasaysayan dahil sa pag-unlad ng teknolohiya noong 1990s. Sa paglikha ng pelikulang Mulan, naglakbay ang mga taga-pagguhit sa Tsina upang saliksikin ang tunay na kaanyuan at kultura ng Tsina. Hindi sapat ang pag-aral ng mga aklat, dokumentaryo, at isinulat na akda tungkol sa Tsina. Ang karanasan ay higit na mabisa sa pag-aaral. Nagdala sila ng mga kuwaderno at gumuhit ng mga tanawin. Sa paraang iyon, nabigyan ng pagkakataon maunawaan at nailugar ang iba’t ibang estilo ng mamamyang Tsino, disenyo ng mga arkitektura, at karaniwang tanawin. Umunlad ang kahulugan ng pananaliksik sa pagguhit ng animasiyong pelikula upang makamit ang nais na produkto [11].
Higit pa rito, ang eksena ng labanan ay kinakailangan ng madaming sundalo upang makipagdigmaan. Kaya lamang, hindi mabisa ang pagguhit ng 1,800 na sundalo gamit ang tradisyunal na paraan na pagguhit. Mapapagod ang taga-pagguhit dahil matagal ang proseso nito. Dahil sa hamon na ito, napilitang bumuo ng software ang Walt Disney Feature Animation upang bilisan ang sistema sa pamamagitan ng animasiyong computerized. Atilla ang tawag sa binuong software. Ito ang pagkatapos sa tradisyunal na pagguhit at ang pagsimula sa pagunlad nang mga teknolohiyang tutulong sa pagbuo ng pelikulang animasiyon [11].
Ang tagpuan, tauhan, banghay, at sistema ng pagguhit ay nagsisilbi bilang elementong nagdulot ng pagbabago, paghahamon, at pag-uunlad sa mga pang-araw-araw na kabuhayan. Hindi lamang mga batang nanunood sa pelikula ay naapektohan subalit ang mga kaugnayan ng Tsina at Disney din. Hindi lamang maganda ang kuwento ngunit mahalaga ang pananaw na inihandog sa panahong 1990s. Hindi lamang kakaiba ang mga tauhan ngunit hakbang ito sa pagtanggap ng ibang kultura. Historikal man ang pangyayari na naganap sa pelikulang Mulan, ngunit mas malalim at mas malawak ang kayang pag-usapan tungkol sa mga pagbabago na naidulot ng Mulan.

Sanggunian
[1] IMDb. “Mulan (1998).” Full Cast & Crew. Accessed September 6, 2018. https://www.imdb.com/title/tt0120762/fullcredits.
[2] Li, Jinhua. “Mulan (1998) and Hua Mulan (2009) National Myth and Trans-CulturalIntertextuality.” 2014. Accessed September 21, 2018. https://ist.unca.edu/sites/default/files /Mulan (1998) and Hua Mulan (2004) National Narrative and Trans-Cultural Intertextuality.pdf.
[3] Pearce, Laura. “ACROSS THE GREAT WALL: THE POLITICS AND ECONOMICS OF TRANSMISSION IN DISNEY’S MULAN.” 2014. Accessed September 21, 2018. https://cdr.lib.unc.edu/indexablecontent/uuid:dac4b92c-a444-4d3b-8948-02a1705a234a.
[4] Yu, Hongmei. “From Kundun to Mulan: A Political Economic Case Study of Disney and China.” ASIANetwork Exchange 22, no. 1 (2014). Accessed September 21, 2018.
[5] Malfroid, Kirsten. “Gender, Class, and Ethnicity in the Disney Princesses Series.” August Accessed September 6, 2018. https://lib.ugent.be/fulltxt/RUG01/001/414/434/RUG01 001414434_2010_0001_AC.pdf.
[6] Valiente, Alexa. “Before ‘Crazy Rich Asians,’ There Was ‘The Joy Luck Club’: Cast, Executive Producer on the Film, an All-Asian Cast, 25 Years Later.” August 16, 2018. Accessed September 6, 2018. https://www.goodmorningamerica.com/culture/story/crazy-rich-asians-joy-luck-club-cast-executive-57201495.
[7] Maity, Nandini. “Damsels in Distress: A Textual Analysis of Gender Roles in Disney Princess Films.” IOSR Journal Of Humanities And Social Science 19, no. 10 (October 2014). Accessed September 6, 2018. <ahref=”https://people.ucsc.edu/~cjgold”>https://people.ucsc.edu/~cjgoldma/E0191032831.pdf.
[8] Davis, Amy Michele. “Disney’s Women: Changes in Depictions of Femininity In Walt Disney’s Animated Feature Films, 1937-1999.” Accessed September 6, 2018. http://discovery.ucl.ac.uk/1382007/1/391559.pdf.
[9] Man-Hsin, Lin, and Emily Jennifer Tso. “Study on Evolution of Disney Princess’ Gender Role Over Time – Specified in Case Studies of “The Little Mermaid” (1989), “The Prince and the Frog” (2009) and “Frozen” (2013).” December 4, 2014. Accessed September 6, 2018. http://homes.lmc.gatech .edu/~mlin73/ticahere/image/Disney Essay.pdf.
[10] Brunell, Laura, ed. “Feminism Sociology.” 2018. Accessed September 21, 2018. https://www.britannica.com/topic/feminism/The-third-wave-of-feminism.
[11] Abbott, Jim. “Florida Animation Studio Comes Of Age With Mulan.” June 21, 1998. Accessed September 21, 2018. http://articles.sun-sentinel.com/1998-0621/entertainment/9806190194_1_mulan-snow-white-animators-tom-bancroft.
Sanggunian ng mga Larawan
Hua Mulan. Accessed September 21, 2018. https://www.revolvy.com/page/Hua-Mulan.
Mulan. Accessed September 21, 2018. https://www.virginmegastore.ae/film-tv/kids-family/mulan/p/213432.
Film/ Kundun. Accessed September 21, 2018. https://tvtropes.org/pmwiki/pmwiki.php /Film/Kundun.
Disney Princesses. Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/375487 687662875147/.
New Disney Side Photo Series Features Disney Character Lookalikes. Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/190910471683292474/.
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/473370610803849904/.
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/511651207647004549/.
Rago, Rozette. Asian-Americans Need More Movies, Even Mediocre Ones. New York Times. Accessed September 21, 2018. https://www.nytimes.com/2018/08/21/opinion/crazy-rich-asians-movie.html.
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/531776668492742476/
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/153544668516224115/
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/283586107768826682/
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/440578776024068702/
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/688347124266947770/
Accessed September 21, 2018. https://www.pinterest.ph/pin/505388389411445475/
Villareal, Daniel. Disney Fans Are Upset the Live-Action ‘Mulan’ Will Cut This Character Long Considered Bisexual. Accessed September 21, 2018. https://hornet.com/stories/mulan-bisexual/.
Semigran, Rachel. Watching ‘Mulan’ As An Adult — 28 Thoughts I Had Watching The Disney Classic For The First Time As A 28-Year-Old. Accessed September 21, 2018. https://www.bustle.com/articles/104261-watching-mulan-as-an-adult-28-thoughts-i-had-watching-the-disney-classic-for-the-first.
Sanggunian ng Video
“Mulan – Facts and figures from the animation picture”. Youtube Video, 2:13. Posted [March 2009]. https://www.youtube.com/watch?v=vGsog6oSoII.